PROPOSED BUDGET PAG-AARALANG MABUTI NG PALASYO

duterte120

(NI BETH JULIAN)

LULUSONG sa matinding pag-aaral ang isusumiteng proposed budget ng Kongreso.

Ito ang tiniyak ng Malacanang sa harap ng pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na pipirmahan na nito ang proposed budget kahit na mayroon pang pag-aalinlangan.

Una nang kinontra ng Senado ang paggalaw ng Kamara ng budget matapos itong dumaan sa ratipikasyon na ayon sa mga senador ay unconstitutional.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kapag nakita ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaayon naman ito sa Saligang Batas ay agad itong lalagdaan ng Pangulo.

Pero sakali naman may makitang unconstitutional ang Pangulo sa proposed budget ay gagamitin nito ang kanyang veto power o ibabasura ang isang probisyon ng proposed budget.

Mainam na lamang, ayon kay Panelo, na hintayin ang magiging desisyon ni Duterte ukol sa proposed 2019 national budget.

 

 

79

Related posts

Leave a Comment