PAWAWALANG BISA ni Congressman Mike Defensor ang pabigat aniyang occupation permit kapag siya ang nahalal na mayor sa darating na eleksyon.
“If elected mayor of Quezon City, we will abolish the oppressive and burdensome occupational permit within our first 100 days in office,” pahayag ni Defensor kahapon.
Ang naturang permit ay isa sa mga requirement ng local government sa lahat ng mga gustong magtrabaho sa QC at may bisa sa loob ng isang taon.
“The permit is a ridiculous imposition that serves no purpose other than to nickel-and-dime jobseekers and make it difficult for them to acquire gainful work,” dagdag pa nito.
Kilala rin bilang Individual Mayor’s permit ang occupation permit na nakasaad sa Article 22, Section 83 ng Quezon City Revenue Code, ipinagbabawal mabigyan ng trabaho ang sinoman sa buong
lungsod na wala nito.
Nakasaad din sa Section 84 ng nasabing revenue code ng lungsod na kailangang bayaran ang Individual Mayor’s Permit sa City Treasures.
“The permit makes it unnecessarily troublesome for businesses to employ workers in Quezon City. In fact, the permit runs counter to the intent of two national laws that aim to cut bureaucratic red tape and facilitate employment,” ayon pa sa mayoralty candidate ng lungsod.
Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang Republic Act (RA) 11032 o The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Law of 2018 at RA 11261 o First Time Jobseekers Assistance Law of 2019.
“While the permit itself costs only P170, every worker ends up spending at least P650 to secure it, to include the cost of fulfilling the requirements before one can apply for the permit,” paliwanag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)
161