REGULAR SAHOD NG BRGY OFFICIALS ISINUSULONG

barangay33

(NI NOEL ABUEL)

BINUHAY muli sa Senado ang panukalang maglalaan ng regular na sahod at mas malaking benepisyo para sa mga barangay officials.

Sinabi  ni Senador Sonny Angara, na ang mga opisyal ng barangay ang itinuturing na first responders sa panahon ng mga problema sa komunidad kung kaya’t dapat lang na pagkalooban ng benepisyo.

“Tuwing may problema, ang barangay ang unang tinatakbuhan ng tao para humingi ng tulong. Sila ang unang rumeresponde sa mga krisis pero sila ang huli lagi pagdating sa mga benepisyo,” sabi pa ni Angara.

Batay sa Senate Bill 136 ni Angara, ang mga barangay officials ay ituturing na regular government employess at magkakaroon na ng fixed salaries, allowances, insurance, medical at dental coverage, retirement at iba pang benepisyo ang naninilbihan sa nasabing tungkulin.

Sa naturang panukala rin ay magkakaroon na ang barangay captain ng sahod na katulad sa miyembro ng sangguniang bayan (SB) o lungsod na kanilang kinabibilangan.

Ang barangay board members naman ay magkakaroon na ng katumbas ng 80 porsyento ng sahod ng SB members.

Habang ang Sangguniang Kabataan (SK) chair ay mabibigyan ng katumbas na 75 porsyento ng sahod ng SB members.

 

148

Related posts

Leave a Comment