‘RELASYONG ‘PINAS-CHINA ‘DI MAGKAKALAMAT DAHIL SA KASO SA ICC’

china rp12

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maapektuhan ang relasyon ng bansa at China sa harap ng kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y pang-aabuso sa South China Sea at sa teritoryo ng Pilipinas gayundin sa mga krimen na maaaring aksiyunan ng ICC.

Sinabi ng Pangulo na may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa China at tiwala pa rin si Duterte na hindi magkakaroon ng lamat ang relasyon ng bansa at China dahil sa kaso.

Nilinaw ni Duterte na isang demokratikong bansa ang Pilipinas at kahit sino ay maaaring magsampa ng kaso kaninuman.  Idinagdag pa na hindi umano miyembro ng ICC ang China.

149

Related posts

Leave a Comment