REP. NOGRALES: GOV’T BODY BUUIN PARA SA PROTEKSYON NG SIERRA MADRE

Rep Fidel Nograles-Sierra Madre

NAIS ng isang mambabatas mula sa Rizal na masigurong nabibigyan ng proteksyon ang bulubundukin ng Sierra Madre.

Ito ang layunin ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles kaya isinusulong niya sa Kamara ang pagbuo ng Sierra Madre Development Authority.

Magiging pangunahing gawain ng naturang ahensiya ay magsagawa ng komprehensibong survey ng pisikal at mga likas na yaman gayundin sa mga potensyal na makikita sa Sierra Madre region at gumawa ng komprehensibong tala at detalyadong plano batay sa resulta ng survey, at gumawa ng disenyo upang mapangalagaan at gamitin nang mabuti ang likas-yaman na matatagpuan sa rehiyong ito.

Ang SMDA ay maaari ring “gumawa ng rekomendasyon sa tamang mga ahensya para sa pananalapi o paglalaan ng pondo, technical support, pisikal na tulong at ang antas ng prayoridad ay nakatuon sa mga proyekto sa agrikultura, pang-industriya at komersyal, humiling o humingi ng tulong mula sa pamahalaan o alinman sa mga sangay nito.”

Ito rin ay gagawa ng “plano, pinansyal ng programa o magsagawa ng mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng river, flood and tidal control projects, waste water and sewerage works, dams and water supply, mga kalsada, irigasyon, pabahay at iba pang kahalintudad na patrabaho, kung kinakailangan na isama ito sa konteksto ng ipatutupad na plano sa pagpapaunlad at mga programa kabilang na ang pagsasaayos, relokasyon o paglilipat sa mga residenteng naninirahan sa lugar na maaaring kailanganin at kapaki-pakinabang sa mga awtoridad.”

“Kailangan natin ng isang government body na may sapat na ngipin para siguruhin na ang pagsasaayos sa Sierra Madre ay kayang gawin na hindi masasalaula at hindi rin mababalewala ang karapatan ng mga katutubo na kung ilang siglo nang naninirahan dito at nagsilbing tagapag-alaga nito,” pahayag ni Nograles, na nagsanay ng abogasya sa Harvard.

Ayon pa sa mambabatas, ang pagnanais na magamit ang likas-yaman ng Sierra Madre ay maaaring makaambag sa pambansang kaunlaran ngunit dapat maging balanse na pangmatagalan at tama ang pag-iingat sa kalikasan.

157

Related posts

Leave a Comment