REWARD SA BATOCABE KILLERS ITINAAS NI DUTERTE SA P50-M

ITINAAS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reward mula P20 milyon sa P50 milyon para sa agarang pagkakadakip sa mga pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe matapos itong bumisita sa burol ng kongresista Miyerkules ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na hindi na kailangang  magbigay ng pangalan ng magbibigay ng imporasyon. Tip lang umano o hint sa mga nasa likod ng pagpatay at sakaling matunton ang mga killer dahil sa tip na naibigay, ipakita lang umano ang cellphone ng inyong pag-uusap at maibibigay na ang reward.

Si Batocabe kasama ang security escort na si Orlando Diaz ay pasakay na  ng sasakyan paalis sa gift giving sa mga senior citizen at people with disabilities (PWDs) nang pagbabarilin ng gunmen. Humalo sa nagkakagulong mga tao ang mga suspect at nakatakas habang hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang kongresista at police aide dahil sa matitinding tama ng bala sa katawan.

 

18

Related posts

Leave a Comment