(Ni BERNARD TAGUINOD)
Kailangang buhayin ang Reserved Officer Training Corps (ROTC) upang maitanim sa isip ng mga kabataang estudyante ang disiplina sa kanilang hanay at magkaroon ng idea sa military at police teaching.
Ito ang pagsuportang pahayag ni House committee on peace and order chairman Romeo Acop ng Antipolo City kaugnay ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang ROTC.
“(We suport it) simply because the discipline and the knowledge they would get in so far the teach-ing of military and the police are concerned would be inculcated into the minds of our studentry,” ani Acop.
Base sa nais mangyari ni Duterte, buhayin ang ROTC sa Grade 11 at Grade 12 na isa sa mga re-quirements bago sila pumasok sa kolehiyo upang maibalik umano ang disiplina at pagiging maka-bayan ng mga kabataan.
Magugunita na hindi na naging mandatory ang ROTC sa Kolehiyo matapos maging batas ang Na-tional Service Training Program (NSTP) o Republic Act (RA) 9163 noong 2002 matapos mapatay ang isang estudyante ng University of the Sto. Tomas noong 2001.
Gayunpaman, ilang mambabatas ang nais maibalik ang ROTC kasama na si Acop dahil mahalaga umano ang military training na ito sa mga estudyante para magkaroon ng reserved force ang Pillip-inas.
“Kailangan na talaga eh, we speak of a reserved forces in so far as the Armed Forces of the Philip-pines is concern, but saan manggagaling ang mga ito kundi sa mga estudyante who are willing to undergo military training,” ayon pa kay Acop.
212