(Ni NOEL ABUEL)
Ipinagkibit- balikat ng isang senador ang pangamba ng ilang grupo na posibleng magdeklara ng Ba-tas Militar sa buong bansa.
Pinawi ni Senador Gringo Honasan ang takot na posibleng deklarasyon ng Martial Law sa buong bansa kasunod ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdagdag ng mga sundalo at pulis sa Samar, Negros at Bicol Region.
Sinabi nito na walang sapat na batayan ang mga pangamba ng deklarasyon ng batas militar sa buong bansa kung saan bahagi lamang ng Konstitusyon ang dapat na masunod.
Ipinaliwanag ng mambabatas na dating sundalo na pangunahing responsibilidad ng gobyerno ang pangalagaan ang law and order sa bansa kaya’t ang lahat anya ng pagdududa ay dapat na maresolba pabor sa proteksyon ng buhay, kalayaan at ari-arian.
“The 1st responsibility of any govt is the preservation of law and order. Fear regarding possible mar-tial law is premature and unfounded. All doubt must be resolved in favor of protection of life liberty property which are now threatened. The President has exercised his duty and prerogative,” paliwa-nag ni Honasan.
Samantala kinontra naman ni opposition Senator Kiko Pangilinan ang kautusan ng Pangulo sa pagsasabing lalo lamang darami ang pang-aabuso ng mga pulis at madadawit pa ang mga sundalo.
Ipinaalala pa ni Pangilinan na sa kasalukuyan ay marami nang pulis ang nadadawit sa rape, murder at robbery at extortion na dapat umanong nireresolba ng gobyerno.
“Sa hanay ng PNP na nanggagaling ang lawlessness. ‘Yan ang dapat pinupuntirya ng administrasyon at hindi ‘yung dagdag na napeperhuwisyo at inaabuso ang ordinaryong mamamayan,” saad ni Pangilinan.
119