(NI ABBY MENDOZA)
SA rami ng aberya sa nagdaang 2019 midterm elections, hiniling ni Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza sa Commission on Election na magsagawa ng reporma sa sistema ng halalan sa bansa.
Ayon kay Atienza, hindi maitatanggi ang mga problemang kinaharap ng bansa nitong nagdaang eleksyon mula sa pagpalya ng transparency server, palpak na vote counting machines, sd cards, hanggang sa pagboto ng mga botante.
Inirerekomenda ni Atienza na kung ganito lamang din ang automation ay mainam na ibalik na lamang ang manual na botohan kung saan may transparent system, ani Atienza, dapat gawin na lamang na manual ang botohan at bilangan para masaksihan ng publiko ngunit ang pagtransmit sa Commission on Elections ay electronic.
Pagtatanggol pa nito na kung manual ang botohan at bilangan kung magkaroon man ng aberya tulad ng biglaang brownout at pagloloko ng signal ay naiiwasan ang dayaan.
Iminumungkahi rin ng mambabatas na huwag nang kunin ang Smartmatic at kumuha na lamang ng electronic voting system partner na lokal.
Sinang ayunan din ito na House Minority Leader Danilo Suarez kung saan saan dapat umanong baguhin ng Comelec ang polisiya sa procurement process upang masiguro na dekalidad ang makukuha na supply, dapat umano na tutukan ito agad ng komisyon lalo at may sapat na panahon para paghandaan ang 2022 national elections.
Aminado ang Minority Group sa Kamara na nakapaghihinayang ang P10 billion na inilaan ng Comelec para sa eleksyon na sa bandang huli ay bigo pa rin ito na magawa ang kanilang mandato.
117