SA PAG-ALIS NI GMA: GIRIAN SA SPEAKERSHIP UMPISA NA

SGMA-6

(Ni BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa man nagsisimula ang local campaign, nagpopormahan na ang ilang kilalang political leaders para sa speakership sa 18th Congress kapalit ng graduating na si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Naglabas ng kalatas ang National Unity Party (NUP) kung saan ineendorso ng partido si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kung walang ieendorsong speakership si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon sa chair ng NUP na si Ronaldo Puno, naniniwala sila na si Cayetano ang bagay sa nasabing posisyon dahil tulad ni Arroyo, kaya nitong makipag-trabaho ng maayos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tila hindi naman nagpapahuli si dating Leyte Rep. Martin Romualdez matapos kumpirmahin nito na interesado ito sa speakership tulad ng pahayag ni Mayor Duterte.

“I confirm the statement of Mayor Sara that I am interested in the speakership race of the 18th Congress. Many congressmen aspire for that position. I am humbled and honored that she (Mayor Sara) mentioned my name as one of the contenders,” ani Romualdez.

Unang umugong ang nais ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na mabawi ang speakership sa 18th Congress subalit kinontra ito ng panganay na anak ni Pangulong Duterte.

Si Alvarez ay kinudeta noong Hulyo 2018 ni Speaker Arroyo sa tulong diumano ni Mayor Sara at mula noon ay hindi na ito nagpapakita sa Kamara.

222

Related posts

Leave a Comment