Sa pagmamatigas sa fund transfer SC BINASTOS NI RECTO, PHILHEALTH

(CHRISTIAN DALE)

INAKUSAHAN ng isang health reform advocate si Finance Sec. Ralph Recto at maging ang PhilHealth Board na binabastos ang Supreme Court kaugnay sa tila pagsuway sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) sa paglilipat ng sobrang pondo ng ahensya pabalik sa National Treasury.

Sa social media platform X, nag-post si Dr. Tony Leachon ng: “Nagrelease sila 30 billion last Oct. 16 despite our outrage but, it turned out covered pa pala ng TRO even October 30 B Tranche.

Binastos pa talaga ng PhilHealth Board, Execom , Legal Sector and @ralphrecto ang Supreme Court. Shameless greed.”

Maging si Bayan Muna chair Neri Colmenares ay kinondena ang pahayag na bahagi lamang ng sobrang pondo ng ahensya ang sakop ng TRO.

“We would like to clarify that what was restrained by the Supreme Court was not only the remaining P29.9 billion but also includes the P30 billion supposedly transferred on October 16, 2024, or a total of P59.9 billion. If the P30 billion has been transferred to the National Treasury, we demand that DOF (Department of Finance) should return these to PhilHealth to be faithful to the TRO decision,” paliwanag ni Colmenares.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng Department of Finance (DOF) na walang nakasaad sa TRO ng Korte Suprema na ang P60 billion excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na inilipat sa national Treasury ay dapat ibalik sa state insurer.

Ipinahayag ito ni Finance Secretary Ralph Recto kay Senate finance committee chairperson Grace Poe, sa unang araw ng plenary deliberations ng Senado sa panukalang national budget para sa 2025.

Ipinanawagan kasi ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ang pondo ay ibalik sa PhilHealth.

Noong Oktubre ng taong kasalukuyan, naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kontra sa paglipat ng P89.9 bilyong unused excess funds ng PhilHealth sa national treasury.

Ngunit ang mga naunang inilipat na P20 bilyon noong Mayo at P10 bilyon noong Agosto ay hindi na maibabalik pa sa PhilHealth dahil hindi umano ito saklaw ng TRO.

“This TRO is a significant victory for the Filipino people, especially for PhilHealth beneficiaries who rely on these funds for their healthcare needs,” ani Colmenares, isa sa mga naghain ng petisyon.

“The transfer of these funds would have jeopardized the benefits of countless Filipinos relying on PhilHealth for essential health services. This decision prevents a grave injustice from occurring,” aniya.

Dapat aniyang maibalik sa PhilHealth ang mga nailipat na pondo nito sa national treasury pero hindi pa nagagamit sa unprogrammed funds projects.

Nauna rito, iniulat naman ng PhilHealth na P60 billion na ang nailipat sa National Treasury kung saan ay mayroon na lamang P29.9 billion ang natitira sa ahensiya.

Sinabi ni Poe, halos P9 billion mula sa transferred funds ng from PhilHealth ang naipalabas na mula sa national treasury.

Tinukoy ang mga naunang pahayag nina Recto at Budget Secretary Amenah Pangandaman, sinabi ni Hontiveros na ang transferred funds mula PhilHealth ay gagamitin ng gobyerno para sa counterpart funding ng national government para sa flood-control projects at railway projects na isinasagawa na ngayon kasama ang Japan International Cooperation Agency, Asian Development Bank, at World Bank.

69

Related posts

Leave a Comment