SALING PUSA: POSISYON NI CARDEMA SA KONGRESO, NILINAW

cardema12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG iniimbitahan man ng Party-list Coalistion Foundation Inc., (PCFI) si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema, hindi ito indikasyon na kinikilala na ito bilang kinatawan ng Duterte Youth party.

Ito ang nilinaw ni 1PACMAN at PCFI party-list Rep. Mikee Romero ukol sa pagdalo ni Cardema sa ilang mga aktibidad ng party-list Congressmen.

“Duterte Youth nominee Cardema was invited by PCFI…as a mere observer…and not as an official representative of the 18th Congress,” ani Romero dahil sa  ilang okasyon ang mga party-list Congressmen ay laging kasama si Cardema.

Nakakuha ng sapat na boto para sa isang upuan sa Kongreso ang Duterte Youth subalit hanggang ngayon ay wala pang kumakatawan sa nasabing grupo sa Mababang Kapulungan dahil hindi pa tapos ang kaso nito sa Commission on Elections (Comelec).

“To clarify, PCFI or the PL Coalition has recognized Duterte Youth as a party-list [that] won a seat in the May 13 elections. But its rightful and valid nominee has not yet been recognized by PCFI due to lack of supporting documents (Comelec certificate of proclamation and oath of office),” ayon pa kay Romero.

Si Cardema ay nag-resign sa kanyang posisyon bago ang eleksyon noong Mayo 13, 2019 at pinalitan ang kanyang asawa bilang first nominee ng Duterte Youth subalit kinontra ito ang iba’t ibang grupo

Base sa batas, edad 30 anyos pababa lang ang puwedeng maging kinatawan ng mga kabataan sa Kongreso subalit  34 anyos na si Cardema na isa sa mga dahil kung bakit kinansela ng Comelec ang kanyang nominasyon na kakatawan sa Duterte Youth sa Congress.

“The party-list coalition bloc shall respect and adhere to the Comelec ruling with regards to the disqualification of Duterte Youth nominee Ronald Cardema,” pahayag ni Romero.

127

Related posts

Leave a Comment