SC MINAMADALI SA DESISYON SA MAGUINDANAO MASSACRE

supremecourt

(NI NOEL ABUEL)

NANAWAGAN si Senador  Christopher Lawrence Go sa Korte Suprema na maibigay na ang inaasam na hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Matatandaang humingi ng palugit ang Korte Suprema ng isang buwan na extension mula sa orihinal nitong  schedule  na paglalabas ng hatol sa kaso na dapat sana ay ngayong buwan.

Iginiit ni Go na ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre ay makakaasa as paghahangad ng hustisya.

Sinabi ni Go na sa ika-10 anibersaryo ng malagim na insidente ng ambush sa Maguindanao kung saan 58 tao ang  namatay kasama ang  32 mamamahayag na sana ay mabigyan na ng  katarungan ang masaklap na sinapit ng mga biktima.

Ayon kay Go, batid niyang gusto lamang ng mga miyembro ng media na maghatid ng balitang totoo at ginagawa lamang ng mga ito ang kanilang  trabaho.

 

167

Related posts

Leave a Comment