(NI BERNARD TAGUINOD)
WINARNINGAN ng isang mambabatas si Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi malayong kasuhan ito ng paglabag sa ethics at election law dahil sa kanyang alegasyon na maraming pulitiko ang sumusuporta sa New Peoples Army (NPA).
Ginawa ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang nasabing babala dahil sa panawagan ni Año sa taumbayan na huwag iboto ang mga pulitikong sumusuporta aniya sa mga rebeldeng komunista.
“This is clear partisanship and red-tagging, violative of the code of conduct and ethics of public officials,” pahayag ni Casilao at paglabag din aniya ito sa Election law na dapat maging partisan ang mga public officials.
Hindi nagbanggit ng pangalan si Año kung sinu-sino ang mga pulitikong sumusuporta sa NPA subalit umaabot umano ang mga ito sa 349 na kinabibilangan ng party-list groups, 11 governors, 5 vice governors, 10 board members, 10 incumbent congressmen at isang dating congressman.
Hindi na umano ipinagtaka ni Casilao ang inaatasang ito ni Ano dahil dati itong military at naging Chief of Staff pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) subalit paglabag umano sa batas ang kanyang ginagawa.
“Republic Act No. 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees clearly stated as norms of conduct “Justness and Sincerity,” “Political Neutrality,” “Patriotism,” and “Commitment to Democracy,” ani Casilao subalit nilabag ito ni Ano.
Maging ang Executive Order 292 Administrative Code at Comelec-Civil Service Commission “Joint Resolution ukol sa Electioneering and Political Activity, ay nilalabag din umano ni Ano.
“This administration is really desperate to work against the people’s struggle for reforms in governance, particularly of partylist in congress, this is admission of anti-people and anti-democratic nature, we urge the people to resist this measure and choose candidates who will fight head-on for their welfare and interests,” ayon pa sa kongresista.
178