Sabi sa pralala ng Eddy Awards ng The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), large diversity ang ni-represent ng kanilang 7 nominees for major categories.
Mas malawak at malaki ang pagkakaiba-iba ng mga nominado sa Star Awards for Movies.
Sampu ang Star Awards nominees:
Ogie Alcasid, Nonie Buencamino, Paolo Contis, Dingdong Dantes, Eddie Garcia, Coco Martin, Daniel Padilla, Piolo Pascual, James Reid, Vic Sotto.
Sa Eddys:
Paolo Contis, Christian Bables, Eddie Garcia, Carlo Aquino, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Daniel Padilla.
Inisnab ng Eddys ang Ogie, Coco, Vic at James.
Labanan ito ng mga millennials at mga subok ng magagaling na veterans.
###
Sa ginanap na piging ni Sen. Manny Pacquiao sa mga incoming new lawmakers at sa mga nagbabalik sa Senado, kitang-kita na happy ang lahat. May super-majority na sa Senate.
Ang PDP-Laban PR Man/Manager Arnold Vegafria (mentor ng Pacquiao clan and avid supporter/producer ni newly-elect Sen. Ronald Bato dela Rosa) ay siya ring nag-produce ng Bato, The Movie.
This is also a celebration for a Change Is Coming for the country which will become the New Federal Government of the Philippines with Manny Pacquiao as the new president or the new Prime Minister.
Sa coverage na ng viral PeryodikoFilipino Inc. Hollywood and foreign correspondent for Sports na si Dr. Ponciano Melo, akala ni Evan Turner (player ng Portland Trail Blazers) ay si Manny Pacquiao ang presidente ng Pilipinas!
Visit John Melo sa YouTube o Facebook at mapapanood ninyo ang mga viral materials sa makulay na buhay ng correspondent ng Diaryo Bomba at SAKSI Ngayon sa buong North America.
###
DAHIL nakantiyawan ako ng kapwa editor, nakapagtanong ako sa gwaping na singer na Chicago-based, si Nick Vera Perez sa presscon na ginanap sa Rembrandt Hotel. Looking for love pa rin si Nick. Handsomest bachelor kumbaga.
Sobra-sobra ba ang income niya as nurse kaya afford niyang mag-give-back sa mga kababayan niya sa Pilipinas?
Maluha-luha si Nick sa tanong ko.
Reminiscing siya ng hirap ng kanyang ina sa pagsuporta sa kanyang edukasyon sa UST.
Naging instant idol namin si Nick dahil madamdamin ang kanyang version ng Martin Nievera song na “Be My Lady.”
Kaya manonood kami ulit ng kanyang special guesting sa Funny One More Time show ng mga Pinoy comics like James Caraan, Mak Navarez, Sergio Belarus at Anthony Andres sa May 23, 2019, 8 p.m. sa After Twelve Kitchen and Bar sa 128 Mindanao Avenue, Quezon City.
See you there!
Tatawag talaga ako kay new bff Sec. Salvador Panelo at ire-recommend ko itong si Nick Vera Perez na maging ambassador to the World from the Philippines representing all the loving mothers.
Aba naman, ang kanyang nationwide tour sa Pinas ay pagpapahalaga sa kanyang pinakamamahal na mother, Vicitacion Tan.
156