SIBAK O RESIGN – DUTERTE SA PHILHEALTH OFFICIALS

philhealth32

(NI BETH JULIAN)

DALAWANG bagay lamang ang kapupuntahan ng mga opisyal ng PhilHealth sa harap ng nabunyag sa kontrobersiya at iregularidad sa sistema at pangangasiwa sa pondo nito.

Ito ay ang kusang pagbibitiw sa puwesto o direktahang sibakin sila sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ito ni Senator Bong Go sa ipinatawag na press conference sa Malacanang Complex.

Dito ay inihayag ni Go na itasan siya noong Sabado ng gabi ni Pangulong Duterte na sabihan ang mga opisyal ng PhilHealth na magsumite ng kanilang resignation letter.

Ayon kay Go, bagama’t naniniwala ang Pangulo na walang kinalaman sa iregularidad ang officer in charge ng PhilHealth  na si Dr. Roy Ferrer, kasama rin ito sa pinagsusumite ng resignation letter sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility.

Ganap na alas-5:00 ng hapon ang ipinatawag na pulong ng Pangulo sa mga opisyal ng PhilHealth at pakikinggan muna ng Pangulo ang paliwanag ng mga ito pero desididong palitan na ang mga ito.

Sinabi pa ni Go na nakausap nito si Ferrer noong isang linggo at inamin na sila ay ‘nalusutan’ pero sinabing ginagawa nito ang lahat ng paraan para maayos ang sistema sa PhilHealth.

Dagdag pa ni Go na batay sa mga impormasyon na kanyang tinanggap at sa pakikipag-usap kay Ferrer, may namumuong ‘friction’ sa PhilHealth, partikular na sa tinatawag na Mindanao bloc na ang pakahulugan ay hindi nagkakasundu-sundo ang mga opisyal at mayroong mga iringan sa isa’t isa.

 

127

Related posts

Leave a Comment