SINIBAK NA MLA PORT OFFICIAL, 2 PA, BAGONG CUSTOMS DEP CHIEF

customs12

(NI BETH JULIAN)

MAKALIPAS ang kontrobersya kaugnay sa natuklasang iregularidad, higit sa mga ipinupuslit na kargamento, opisyal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  bagong deputy commissioners sa Bureau of Customs (BoC).

Siniguro ng Pangulo na wala nang mangyayaring iregularidad kaya naman isang retiradong heneral ang iniluklok nito para pangasiwaan ang ahensya.

Nitong Sabado ay opisyal nang inianunsyo ang paghirang kina Raniel Ty Ramiro, Vener Sia Baquiran at Donato San Juan,  kapalit ng mga dating opisyal ng BoC.

Si Ramiro ay kapalit ni Ricardo Quinto, habang si Baquiran ang hahalili sa puwesto ni Jesus Fajardo, at si San Juan naman ang papalit kay Gladys Rosales sa BoC.

Magugunitang matinding galit ang ipinakita ng Pangulo matapos matuklasan ang iregularidad sa nasabing ahensya.

Kasabay nito, nasa 27 bagong appointees ni Duterte ay mga Director at Schools Division Superintendents ng Department of Education (DepEd).

Itinalaga rin ng Pangulo si Office of the President Assistant Secretary Nathaniel Dalumpines bilang officer in charge (OIC) ng Mindanao Development Authority (MINDA) kung saan nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment papers nito.

Magsisilbi rin si Dalumpines bilang Assistant Secretary for Mindanao Concerns kapalit ng pumanaw na si Abdul Khayr Alonto.

 

232

Related posts

Leave a Comment