(NI NOEL ABUEL)
MALABO nang maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill na isinusulong sa Senado.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mahihirapang maisulong sa Senado ang anti-discrimination bill na pabor sa lesbian, gays, bisexual, transgender and queer (LGBTQ+) community.
“It has no chance of passing in the Senate, “IF” it transgresses on academic freedom, religious freedom and women’s rights,” sa testimonya ni Sotto.
“Anti-discrimination bill on person’s pwede, pero focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious and academic freedom impeded, plus smuggling of same-sex marriage? No chance!” aniya.
Una nang hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa mga kapwa nito senador na suportahan at ipasa ang SOGIE bill matapos ang sinapit ng isang transgender woman na si Gretchen Diez sa isang mall sa Quezon City nang pagbawalang gumamit ng comfort room ng babae.
409