SOLON NA ‘BAGMAN’ NI GUANZON MASISIBAK

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI malayong matanggal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ‘congresswoman’ na ‘bagman’ ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

“Kung totoo at mapatutunayan (ay matatanggal),” ani ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa press conference nitong Huwebes sa Kamara kaugnay ng alegasyon ni Cardema na isang congresswoman ang bagman ni Guanzon.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Cardema na humihingi umano ng P2 million si Guanzon kapalit ng pagpayag nito na siya ang first nominee ng Duterte Youth kung saan idadaan ang pera sa congresswoman.

Subalit, ayon kay Yap, mangyayari umano ang pagtatanggal sa congresswoman sa pamamagitan ng Ethic committee kung pangalanan ito ni Cardema na may kasamang ebidensya.

“Since sinabi na niya (Cardema) lahat pati ang estado ng father niya at wife niya, mas maganda sabihin niya kung sino ba yung sinasabi niyang yun (na congresswoman),” ani Yap.

“Kasi ilan ho dito congresswoman namin. Kawawa naman po sila…lahat po sila ay pag-isipan na sila yun,” ayon pa kay Yap kaya hiniling nito kay Cardema na ilabas na nito ang lahat nitong hawak na ebidensya.

Ang Duterte Youth ay nakakuha ng isang upuan ngayong 18th Congress subalit wala pang umuupo na kinatawan nito dahil hindi na pasok ang edad nito na 34 anyos bilang Youth Representatives.

159

Related posts

Leave a Comment