(NI NOEL ABUEL)
DAPAT panagutan ng Ateneo de Manila University (ADMU) ang pambu-bully ng isa nilang estudyante sa kapwa mga mag-aaral.
Sinabi ni Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III, nakapaloob sa batas laban sa bullying ang pananagutan ng mga paaralan kaugnay sa mga ganitong insidente.
“Sagutin ng school ‘yun at sa batas ay nananagot ang eskwelahan at magulang. Pag-aralan nilang mabuti ang batas, may law school pa naman sila. Masamang pangyayari yan sa isang eskwelahan. Nangyayari yan, pero ang mabilis na aksyon ng eskwelahan ang mahalaga,” sabi pa ni Sotto.
Sa panig naman ni Senador Win Gatchalian ipinaalala nito na batay sa nakasaad sa batas, dapat mayroong programa ang bawat paaralan laban sa bullying.
“May kapangyarihan ang DepEd na imbestigahan o irevoke ang permit ng eskwelahan o papanagutin ang ekwelahan,” saad ni Gatchalian.
Iginit pa ng dalawang senador na wake up call ito sa iba pang mga paaralan para paigtingin ang kanialng mga programa laban sa bullying.
Para rin sa dalawang mambabatas, hindi matatakasan ng Atenistang bully ang nararanasan nitong cyberbullying dahil ito anila ang kapalit ng kanyang mga naging aksyon.
238