(NI CHRISTIAN DALE)
HINDI tatanggapin ng Pilipinas kung mag-aapologize lang ang China sakali’t mapatunayan na sinadya ang Recto Bank incident dahilan upang lumubog sa dagat ang sasakyang pandagat sakay ang 22 Pinoy na mangingisda.
“Hindi naman basta iyong mag-aapologize lang kayo sa amin,” ayon kay Panelo.
Sinabi ni Panelo na bagama’t napakadali ng isyu dahil aalamin lang naman kung aksidente ba o sinadya ang insidente sa Recto Bank, aalamin din kung sino ang dapat na managot kung hindi aksidente at ang pangatlo aniya ay ang kasagutan kung bakit iniwan ang nakabanggaan.
“Ano ngayon ang gagawin ninyo sa iniwan ninyo? Hindi naman pupuwede iyong basta maga-apologize lang kayo sa amin,” diing pahayag ni Panelo.
Hindi aniya dapat na humingi lang ng paumanhin o sorry ang China sakali’t nalaman na may pananagutan ito sa Recto Bank incident.
‘Hindi, hindi pupuwede iyon siyempre,” ayon kay Panelo.
Pinanghawakan naman ng opisyal ang inihayag ng Chinese government na pananagutin nito ang dapat na managot sa insidente.
140