‘SPEAKERSHIP LABANAN DIN NG MGA TYCOON?’

speaker23

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang labanan ng mga kongresista ang Speakership kundi labanan din umano ito ng mga tycoons sa bansa.

Ito ang paniniwala ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kaya mayroong mga tycoon ang nakakaladkad ang pangalan sa labanan sa Speakership kung saan mayroon umano silang kanya-kanyang manok.

“Definitely,” ani Tinio nang tanungin sa press conference kung “proxy war” din mga tycoons ang Speakership race sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil ilan sa mga ito ay makakaladkad ang pangalan at mayroong kanya-kanyang sinusuportahang partido.

“For example si (Marinduque) Cong. Lord Velasco is closely associated with Ramon Ang, alam naman yan (ng lahat), yung asawa nya head nung anong foundation ba yun? foundation that was formed after the election to honor the mother of president Duterte tapos ang pinakamalaking donor dyan si Ramon Ang so hindi naman itinatago yun alam ng lahat yun,” ani Tinio.

Maliban kay Ang na nasa likod din umano ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ay nababanggit din ang pangalan ni Ricky Razon na nasa likod umano ng National Unity Party (NUP) at Manny Villar ng Nationalista Party (NP).

Dahil dito, hindi umano maiiwasan na interesado rin umano ang mga ito sa Speakership din dahil kailangan nila ito para sa proteksyon umano ng kani-kanilang negosyo.

“Definitely may interes ang mga ito sa speakership, Bakit? Dahil yung mga negosyo nila, yung mga billion dollar businesses nila, yung interest nila nakatali o nakadepende sa paborableng mga batas at intervention ng Kongreso because these businesses are in the energy sector, power, kuryente, tubig, langis, telecoms, transportation, mga airport, mga superhighway etc etc na lahat ito directly nakadepende sa legislative franchise or sa funding ng national budget or other such interventions ng Kongreso,” litanya pa ni Tinio.

421

Related posts

Leave a Comment