SPECIAL CABINET MEETING NI DU30 KANSELADO      

duterte15

(NI BETH JULIAN)

(UPDATED)

BAGAMA’T una nang kinumpirma nina Cabinet Secretary Karlo Nograles at Defense Secretary Delfin Lorenzana, agad namang ipinarating ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kanselado na ang gagawin sanang special Cabinet meeting ngayong Lunes, Hunyo 17, kaugnay sa isyu ng banggaan sa West Philippine Sea.

Bunsod nito, wala na namang aasahan ang publiko na konkretong pahayag o aksyon ng gobyerno kaugnay sa insidente.

Una nang ini-anunsyo ni Nograles na nagpatawag ng special Cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes sa ganap na alas-3:00 ng hapon pagkatapos ang ceremonial marking ng 121st anniversary ng Philippine Navy, pero agad naman din ito binawi ni Medialdea.

Sentro sana ng pulong ang pagtalakay sa isyu sa WPS kung saan naganap ang banggaan na dahilan ng paglubog ng barko ng mga Pinoy fishermen. Pinabayaan lamang ang mga ito at inabandona ng Chinese vessel na agad tumakas matapos banggain ang bangka.

Mismong si Nograles ang nagpadala ng abiso sa mga Cabinet members na agad din namang kinumpirma si Lorenzana.

Pero sa hindi na batid na kadahilanan, naglabas naman ng abiso si Medialdea na hindi na matutuloy o kanselado ang nasabing pulong.

422

Related posts

Leave a Comment