(NI DAHLIA S. ANIN)
MARARANASAN ng bansa ang pinakamahabang daytime at pinakamaikling gabi sa Biyernes Hunyo 21, ayon sa Pagasa.
Ayon sa astronimical diary ng weather bureau, ang summer solstice, ay papatak sa Biyernes ng 11:54 ng gabi.
“This is the time when the sun attains its greatest declination of +23.5 degrees and passes directly overheard at noon for all observers at latitude 23.5 degrees North, which is known as the ‘Tropic of Cancer,” ayon dito.
Ito umano ang tanda na magsisimula na ang paggalaw ng araw patungo sa timog na bahagi ng orbit kung saan umiikot ang mga planeta.
Ang summer solstice ay kabaligtaran ng winter solstice na nagaganap tuwing Disyembre kung kailan mas mahaba ang gabi at mas maikli ang umaga.
168