TAG-ULAN IDINEKLARA NA NG PAGASA

OPISYAL nang panahon ng tag-ulan. Ito ang sinabi ng PAGASA kahapon.

Ang deklarasyon ay kasabay ng naging buhos ng ulan na dala ng bagyong Butchoy sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Nataon din na ang bagyo ay sumabay sa mga protesta sa Araw ng Kalayaan.

Dinala ng Bagyong Butchoy at ng southwest monsoon o habagat ang ulan sa Metro Manila, lalo na rin sa western sections ng Luzon at Visayas.

Ito umano ang pinagbasehan nila para sabihin na panahon na ng tag-ulan.

Nakadalawang landfall ang Butchoy sa Quezon province.

Umaasa naman ang PAGASA na makatutulong ang ulan para mapunan ang mga pagkukulang ng mga dam sa supply ng tubig.

Ngayong araw inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Butchoy. KIKO CUETO

449

Related posts

Leave a Comment