TAKOT NG MAGSASAKA SA RICE IMPORTATION PINAWI

bigas22

PINAWI ni Agriculture Secretary Manny Pinol ang mga magsasaka sa plano ng gobyerno na buksan ang rice importation dahil hindi umano ito nangangahulugan ng kawalan nila ng pagkakakitaan.

“Pero iyong takot ng ating magsasaka na babahain tayo ng imported na bigas, actually pinapaliwanag kong maski gaano pa karami ang… maski gaano pa kasidhi ang kagustuhan ng mga importers na maparami ang pagpapasok ng imported na bigas, limitado din ang world supply ng bigas at kapag tumaas iyong ating importation siyempre tataas iyong presyo sa World Market. trade and commodity iyan,” sabi ni Pinol sa interview ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Sinabi ni Pinol na mayroon lamang tatlong milyong metric tons ng bigas na maaaring iangkat dahil sa rice shortage.

Idinagdag pa ng kalihim na ang pag-aangkat ng bigas sa Vietnam, Thailand at iba pang bansa ay hindi magtatagal dahil may populasyon din silang dapat bigyang pansin.

Tinataya rin ni Pinol na ang rice exports ng Thailand na 7.3 milyon kada metriko tonelada kada taon ay mababawasan sa loob ng lima hanggang 10 taon dahil din sa demand sa kanilang bansa.

“So ang sinasabi natin is hindi puwedeng sabihin natin sa mga magsasaka na bitawan ninyo na rin, mag-diversify kayo because the moment we do that para nating sinintensiyahan ng kamatayan iyong ating mga susunod na henerasyon. We cannot let go of the rice industry because we could not catch up with the growing population and we have to continue planting rice to feed our people and the next generation,” dagdag pa ng kalihim.

 

 

 

140

Related posts

Leave a Comment