TIGILAN NA ANG BASHING SA SEA GAMES — CAYETANO

(NI ABBY MENDOZA)

ILANG araw bago ang opisyal na pagsisimula ng SEA Games, umapela si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano na  tigilan na ang bashing sa SEA Games dahil nakasisira ito sa imahe ng buong bansa.

Sa halip na punahin ang mga pagkukulang, nakiusap si Cayetano na magkaisa ang bawat isa para maging matagumay ang makaysayang event.

Ang SEA games umano ay hindi lamang hosting ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng BCDA, POC at PSC, bagkus ay hosting ng sambayanang Pilipinas kaya ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at magtulungan.

Dagdag pa ng Speaker, okay lang sana na punahin ang PHISGOC para maitama ang mga pagkakamali at ayusin ang trabaho nito subalit malinaw na ang nangyayaring bashing ay personal ang pag-atake na naglalayong makapanira ng ibang tao at makakuha naman ng papuri ang iba.

Ani Cayetano, sa ganitong mga banat ay ang bansa ang binabanatan at sinisiraan ng mga kritiko.

Kaugnay nito, sinabi ni 1 PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero na hindi na bago ang mga problemang nararanasan ng mga atleta sa SEA Games dahil normal lamang umano na maituturing ang ganitong aberya at naranasan din ito ng mga atleta sa ibang bansa kung saan idinaraos ang palaro gaya ng sa Asian Games at kahit na sa Olympics.

“Ang ganitong mga shortcomings gaya ng aberya sa accommodation at transportation, ganito rin ang sitwasyon sa ibang bansa,” pahayag ni Romero na isang polo player at pang-apat na beses nang naglaro sa SEA Games at aminadong sa pagsali niya sa international competition ay nakaranas din siya ng mga aberya at delay.

 

169

Related posts

Leave a Comment