(Ni NOEL ABUEL)
Nababahala ang isang beteranong senador sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga dayuhang kumpanya ang umaalis ng Pilipinas bunsod ng nakatakadang implementasyon ng Tax Reform Aaccessibility and Inclusion (TRAIN) Law 2 sa Enero.
Sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, nasa 1,200 dayuhang kumpanya ang nag-iisip na iwanan ang bansa dahil inalis na ang “fiscal incentives”sa ikalawang bahagi ng tax reform program ng adiminstrasyong Duterte.
Maliban dito, aabot sa 150,000 trabaho ang posibleng mawala sa listahan ng Board of Investment (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) dahil din sa TRAIN 2m saad ni Drilon.
“All of these will be in jeopardy once the TRAIN 2 is passed. I see a very dark future insofar as the foreign direct investments are concerned [once the TRAIN Law 2 takes effect next year],” patuloy ni Drilon.
Kaya, idiniin niyang posibleng maging kulelat ang bansa sa mga bansa sa Southeast Asia dulot ng malaking pang-ekonomiyang patakaran.
273