TROLLS WAWALISIN SA SOCIAL MEDIA

fake

WAWALISIN na ang mga trolls o mga pekeng account sa social media upang maproteksyunan ang mga lehitimong mamamayan sa cyber-bullying at iba pang krimen.

Bumuo na ang House committee on information and Technology na pinamumunuan ni Tarlac Rep. Victor Yap ng Technical Working Group (TWG) para pag-isahin ang mga panukalang batas na magreregulate sa paggamit ng social media sa bansa.

Kabilang sa dalawang panukala para sa regulasyon ng paggamit ng social media ay ang House Bill (HB) 4093 na inakda ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr., kung saan nais nito na magkaroon ng pananagutan ang social media users.

“It aims to ensure accountability on the part of the social media account owner,” ani Teves sa kaniyang panukala kaya bago magkaroon ng account ang isang mamamayan ay kailangang dumaan ito sa mandatory authentication process bago aprubahan ang kaniyang rehistrasyon para magkaroon ng facebook, twitter, instagram at iba pa.

Kailangang magpakita ng  government issued IDs  o kaya barangay certificate ang mga nagnanais na magkaroon ng account sa social media subalit kung wala aniya ay dapat tanggihan ng “online social networking services” tulad facebook, twitter, intagram at iba pa ang kanilang registration.

Kabilang sa mga parusang binubuo ng komite na ipapataw sa lalabag sakaling maging batas ito ay pagkakakulong ng mula 6 na taon hanggang 12 taon at multang P30,000 hanggang P50,000.

 

260

Related posts

Leave a Comment