TUBIG-ULAN IIPUNIN NA

rain15

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG mabawasan ang baha sa Metro Manila at masiguro na mayroon sapat na supply ng tubig, oobligahin na ang lahat ng institusyon, kasama na ang mga residential communities na magtayo ng pasilidad na pag-iipunan ng mga tubig-ulan.

Ito ay matapos makapasa na sa ikalawang pagbasa sa Kamara House Bill 4340 o Rainwater Harvesting Facilities Act, na inakda ng mga mambabatas sa National Capital Region (NCR).

Base sa nasabing panukala, ang lahat ng mga bagong institusyon, commercial at residential development projects ay kailangang may itatayong rainwater harvesting facilities kasabay ng kanilang proyekto.

“It is the intent of this measure to require all new subdivisions, condominiums, communities, malls, government institutions, central business districts, information technology parks, and other vital public and private establishments to construct rain harvesting facilities to preempt floods caused by incessant and continuous heavy rains and storms,” ayon sa principal author ng nasabing panukala na Quezon City Rep. Winston Castelo.

Hindi bibigyan ng permit to construct ang mga developers kung hindi kasama sa plano ang itatayong rainwater facilities na may sukat na 1,500 square meter na pag-iipunan ng tubig ulan.

Naniniwala ang mga Metro Manila Congressmen na makatutulong ang pasilidad na ito para maibsan ang baha kapag panahon ng ulan bukod sa makakatulong ito upang hindi maubos ang malinis na tubig.

Maaaring gamitin umano ang mga maiipong tubig ulan sa pagdidilig ng mga halaman, paglilinis, pagbuhos sa inodoro at iba at sa pamamagitan nito ay hindi mauubos ang malinis na tubig na galing sa gripo.

Kabilang sa mga may-akda sa nasabing panukala ay sina Marikina Reps.Miro Quimbo at Bayani Fernando, Caloocan City Reps. Edgar Erice at Ayong Maliksi, Mandaluyong Rep. Queenie Gonzales, Malabon Rep. Ricky Sandoval, Quezon Reps. Kit Belmonte at Bingbong Crisologo at iba pa.

302

Related posts

Leave a Comment