UPPER MIDDLE-INCOME STATUS NG PH POSIBLENG MAKAMIT SA 2025

MALAKI ang posibilidad na makamit ng Pilipinas ang target nito na maging upper middle-income economy sa 2025.

“A year later than what the government expected,” ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinitingnan ng kanyang administrasyon na dalhin ang Pilipinas sa “upper-middle income status by 2024” na may “at least $4,256 income per capita.”

“[But] because of the sharp contraction of the economy in 2020 and the sharp depreciation of the peso this year, the entry into that category of countries – upper middle-income country – will now be 2025,” ayon kay Balisacan sa weekly Saturday News Forum sa Dapo Restobar sa Quezon City.

Sa ilalim ng updated standards ng World Bank, ang upper middle-income economy o country ay mayroong gross national income (GNI) per capita na sa pagitan ng $4,046 at $12,535.

Naunang hinangad ng nakalipas na administrasyon na dalhin ang bansa sa upper-middle income status noong 2020, subalit napunta sa recession dahil sa pandemya.

Taong 2019, ang Pilipinas ay nasa kategoryang “lower-middle income country na mayroong GNI per capita sa pagitan ng $1,006 at $3,955. (CHRISTIAN DALE)

32

Related posts

Leave a Comment