Validation ng DOH, makupad – solon COVID-19 POSITIVE SA PINAS, 32K NA

HINDI 26,000 tulad ng ini-report ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 positive sa Pilipinas kundi lagpas na umano ito sa 32,000 noong Hunyo 13, 2020 pa.

Ito ang dahilan kaya kinalampag ni House assistant majority leader Bernadeth Herrera ang DOH na bilisan ang kanilang kilos para sa validation ng mga backlog upang makita ang tunay na larawan aniya ng COVID-19 cases sa bansa.

“Based on the DOH website, there are 26,420 confirmed COVID-19 cases in the Philippines as of June 15. The Health department did not update its data on cumulative positive cases, but as of June 13, the positive individuals listed by testing centers have already reached 32,728, meaning there are around 6,000 yet to be confirmed,” ani Herera.

Sinabi ng mambabatas na hangga’t hindi makuha ang tunay na larawan ng sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa ay hindi puwedeng sabihin ng gobyerno lalo na ng DOH na nagkaroon na ng pagbaba ng kaso.

Dahil dito, kailangan aniyang bilisan ng DOH ang kanilang kilos para ma-validate na ang lahat ng backlog ng kaso ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 na hindi pa isinasama ng ahensya sa kanilang listahan.

Nababahala ang mambabatas dahil maraming tao umano ang nagre-relax sa sitwasyon na posibleng maging dahilan para lumala pa ang problema. (BERNARD TAGUINOD)

75

Related posts

Leave a Comment