WALA NANG CASH AID SA HUNYO – PALASYO

SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala nang cash assistance para sa low-income families sa Hunyo.

Ang katuwiran ni Sec. Roque ay dahil sa marami nang industriya ang magbubukas sa ilalim ng relaxed general quarantine.

“Itong buwan ng Hunyo dahil lahat po tayo ay nasa GCQ [general community quarantine] na ay wala pong ayuda,” ayon kay Sec. Roque.

Subalit, binigyang diin ni Sec. Roque na ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ay ibibigay pa rin para sa mga kuwalipikadong beneficiaries, kahit nasa relaxed lockdown rules.

“Lilinawin ko po, ‘yung pangalawang buwan ng ayuda sa SAP, 12 million po ‘yan, ibibigay pa rin doon sa mga nakatira sa mga lugar na nanatiling ECQ [enhanced community quarantine] or MECQ [modified enhanced community quarantine],” ayon kay Sec. Roque.

At dahil ang malaking bahagi ng bansa ay sasailalim na sa GCQ ngayong araw ay sinabi ni Sec. Roque na ang stricter lockdowns ay maaari pa ring ipatupad kada lungsod, bayan at barangay.

“Dapat merong pagsang-ayon ng local na IATF [Inter-Agency Task Force],” aniya pa rin.

Ang pamahalaan ay naglaan ng P200-billion emergency package para sa low-income families para tulungan ang mga ito sa health crisis matapos na mahinto ang mga aktibidades ng ekonomiya.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng P5,000 at P8,000 para sa buwan ng Abril at Mayo base sa minimum wage rates sa rehiyon.

Ang programa ay pinalawig kalaunan para ma-cover ang 5 milyon pang pamilya. CHRISTIAN DALE

91

Related posts

Leave a Comment