(NI MAC CABREROS)
NANGAKO ang World Bank na tutulungan ang Pilipinas sa pagresolba ng lumalalang problema sa basura.
Sa Marine Plastic Pollution conference na itinaguyod ng World Bank at Embahada ng Norway sa Pilipinas nitong Abril 4, binanggit ni Agata Pawlowska, portfolio manager ng WB, na walong tonelada ng basurang
plastic kada taon katumbas ng isang truck ng basura kada minuto ang natatapon sa karagatan.
“If current trends continue, by 2025, there may be more plastic than fish in the ocean, by weight. It needs urgent action,” diin Pawlowska.
Inilista ng World Bank na ikatlo ang Pilipinas sa listahan ng bansang pinakamasama ang pagmanage sa basura kung saan nakapapasok sa karagatan ang basurang plastic mula sa Pasig River at Manila Bay.
Sinabi Pawlowska na kumikilos ang binuong grupo para umalalay sa public at private sector para makabuo ng roadmap para masolusyunan ang krisis sa basura.
“We have already mobilized teams to assist our client countries at the global, regional as well as national levels through different financing modalities and investments,” wika Pawlowska.
Binanggit nito na noong nakaraang taon ay inilunsad ang PROBLUE, isang multi-donor trust fund para suportahan ang mga proyekto ng mga bansa sa Southeast Asia para pigilan ang pagdami ng basura sa karagatan.
Tinukoy ng World Bank na malaking bulto ng basurang plastic na nakapapasok sa karagatan ay nagmumula sa East Asia.
Inihayag naman ni World Bank senior environmental specialist Katelijn van den Berg na partikular nilang alalayan ang gobyerno ng Pilipinas sa research and development o plastic action roadmap.
Inilahad naman ng ilang development partners gaya ng Asian Development Bank at Japan International Cooperation Agency ang mga programa at proyektong kanilang itaguyod para maresolba ang problema
sa plastic pollution kabilang na rito ang maayos na management sa basura at paggamit ng basura bilang pagkunan ng eherhiya o paggamit sa plastic sa paggawa ng imprastraktura tulad ng kalsada.
Lubhang apektado ng marine plastic pollution ang pagkain, kabuhayan lalo ng mangingisda at ecotourism gayundin ang kalikasan mismo.
158