YOLANDA VICTIMS SQUATTER PA RIN SA HOUSING UNIT

(NI BERNARD TAGUINOD)

ANIM na taon matapos salantain ng super typhoon Yolanda ang Leyte at mga karatig lugar, squatter pa rin ang mga beneficiaries ng mga housing projects sa kanilang tinirhang yunit.

Ito ang nabatid sa mga militanteng mambabatas sa Kamara kaya naghain ang mga ito ng resolusyon para alamin kung bakit masyadong mabagal ang pagbibigay ng land title sa mga homeowners sa mga housing projects.

Sa House Resolution (HR) 351 na ihinain nina Reps. Ferdinand Gaite, Carlos Zarate at Eufemia Cullamat, inaatasan ng mga ito ang House committee on housing and urban development na imbestigahan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ng National Housing Authority (NHA) Certificate of Eligibility for Lot Allocation (CELA) sa mga beneficiaries.

Hangga’t hindi umano ibinibigay sa mga beneficiaries ang nasabing dokumento ay hindi maaaring angkinin ng mga ito ang kanilang yunit na pag-aari na nila kaya lumalabas na squatter pa rin sila.

“Whereas, the CELA only indicates the inclusion of be a beneficiary for the Yolanda Housing Projects and their obligation to pay on installment for the property under ng usufruct framework,” ayon pa sa resolusyon ng mga mambabatas mula sa Bayan Muna party-list.

Kabilang sa mga tinutukoy ng nasabing mambabatas na beneficiaries ay mula sa Ridgeview Park na may 2,000 housing units; Greendale Residence na may 1,640 units at North Hill Arbours na 2,000 din ang units.

Kasama rin dito ang Guadalupe Heights  (2,600 units) at New Hope Village na may 1,000 units na pawang matatagpuan sa Leyte.

Dahil dito, nais nina Gaite ang magkaroon ng imbestigasyon upang malaman mismo sa NHA kung bakit hindi pa inilalabas ito ang nasabing mga dokumento.

 

175

Related posts

Leave a Comment