(NI BETH JULIAN)
AGAD-AGAD.
Ito ang gagawing aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa tobacco sin tax bill para maging isang ganap na batas.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa sandaling dumating na sa Office of the President ang Senate Bill 2233, ay asahan nang agad itong haharapin at pipirmahan ng Presidente at hindi na patatagalin pa.
Una nang lumusot sa Senado ang panukalang batas sa botong 20-0-0 na mismong ang Pangulo ang umaasang lulusot sa dalawang kapulungan ang panukala.
“Logic na lamang ang magdidikta na walang pagdadalawang isip na lalagda agad ang Pangulo sa bill dahil siya ang nanawagan nung isang linggo para mapaspasan ang panuklang dagdag buwis sa mga tobacco products para magamit sa implementasyon ng libreng pagpapagamot sa ilalim ng Universal Health Care Act.
Nasa P257 bilyon halaga ang kailangan sa unang taon ng pagpapatupad ng UHC act kung saan kailangan ang P62 bilyon para mapunan ang kulang na pondo para rito.
Kaya naman kapag naisabatas na ang panukala, magiging P45 na dagdag sa excise tax kada pakete simula sa 2020 hanggang sa pumalo na sa P60 kada pakete sa Enero 2022.
168