Natanggap na donasyon sobra pa – Atty. Dabatos PBBM ‘DI GUMASTOS NG SARILING PERA SA KAMPANYA

bbm

(CHRISTIAN DALE)

HINDI gumastos ng kahit isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito.

Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), nitong Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline ng submission.

Ayon kay Atty. Drixel Dabatos, miyembro ng legal team ni Marcos Jr., mayroon pa naman silang sobrang pondo mula sa campaign donations, hindi na kailangan gumamit pa si Marcos Jr. ng anomang personal resources nito.

Nakasaad sa SOCE ni Marcos Jr. na tumanggap ito ng kabuuang kontribusyon na P624,684,320.09 habang ang deklaradong ginastos ay pumalo na sa P623,230,176.68.

Tiniyak ni Dabatos na magbabayad si Marcos Jr., ng income tax para sa P1.45 million na natira mula sa campaign donations. Pagsunod aniya ito sa “rule of spending’ na P10 kada botante.

Sinabi rin ni Dabatos na ang “expenditures are within the threshold since there are 67 million registered voters.”

Malaking halaga umano ng ginastos ay napunta sa TV advertisements, political rallies, at poll watchers.

162

Related posts

Leave a Comment