Nataranta sa busina LALAKING TUMATAWID NABUNDOL NG TREN

NASA 50-50 ang tsansang mabuhay ng isang hindi pa kilalang lalaki makaraang mabundol ng tren sa riles sakop ng Osmeña  Highway, San Andres Road, Sta. Ana, Manila nitong Lunes ng umaga.

Tinatayang nasa edad 50 hanggang 60-anyos ang biktima, may taas na 5’5 hanggang 5’9 , katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng asul na jacket at short na camouflage.

Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station, bandang alas-9:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa riles ng tren sa naturang lugar.

Nabatid sa pagsisiyasat ni Police Corporal Aquino Alanion, isang tren na may body number EMU-5 ng Philippine National Railways (PNR) ang nakabundol sa biktima.

Pinaniniwalaang nagulat at nataranta ang biktima sa biglang pagbusina ng parating na tren na naging dahilan ng kanyang pagkalito kung itutuloy ang pagtawid o aatras. (RENE CRISOSTOMO)

154

Related posts

Leave a Comment