NAT’L ACADEMY FOR SPORTS: PINOY ATHLETES, LOLOBO

sports33

(NI JEAN MALANUM)

INAASAHANG darami ang mga atleta sa national training pool kapag naitayo na ang National Academy for Sports sa Pangasinan.

Napirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang Republic Act 11214 o “Philippine Sports Training Center Act” na nag-uutos ng pagpapagawa ng state-of-the-art sports training facility sa Rosales, Pangasinan sa 2022.

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation (SONA) noong Hulyo 21, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pagsuporta sa pagpapatayo sa academy na naglalayon na tumuklas ng mga potential athletes na maaaring maging miyembro ng national team.

“I support the measure to create the National Academy for Sports for high school students,” sabi ng Pangulo sa kanyang speech.

Pinasalamatan ni Team Philippines Chef de Mission at Philipiine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez si Pangulong Duterte sa pagiging totoong lider at hands-on chief.

“There might be bigger priorities but President Duterte has always given sports his support,“ ani Ramirez.

Binaggit rin ni Ramirez ang perfect attendance ng pangulo sa Palarong Pambansa opening ceremonies simula nang umupo ito noong 2016.

Idinagdag pa ni Ramirez na ang sports academy ay hindi lang makatutulong sa pag-identify ng talent kundi para maitaas rin ang kaalaman ng bawat Pilipino at magkaroon ng “deeper pool of talent for the elite.”

Mula 2016, ang PSC ay nakagawa na ng mga initiatives para mai-promote  ang sports education at sports science para sa  national coaches at trainers sa pamamagitan ng partnerships sa Korean Institute of Sports Science (KISS) at ng  United States Sports Academy (USSA).

Ang National Sports Academy ay may iba’t ibang pasilidad para sa  administrative, sports science, medical, dormitory at mga sports amenities para sa 39 Olympic at non-Olympic sports.

154

Related posts

Leave a Comment