Nawalan ng trabaho dahil sa pandemya EX-DENR EMPLOYEE NAGBIGTI

BUNSOD ng kawalan ng hanapbuhay, nagbigti ang isang dating kawani ng Department of Environment and Natural Resources, sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ni P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Mario Vargas, may asawa’t anak, residente sa Doña Maria St., Sampaloc.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-7:00 ng umaga nitong Lunes nang matagpuan ng kanyang ina ang biktima habang nakabigti sa kwarto nito.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng trabaho ang biktima nang magsimula ang pandemya sa COVID-19.

Gayunman, isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang mabatid kung may foul play sa pagkamatay nito. (RENE CRISOSTOMO)

350

Related posts

Leave a Comment