MAGING ang National Basketball Association (NBA) ay hindi nakaligtas sa coronavirus-19 o COVID-19 outbreak.
Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, nagpadala na ang NBA ng memo sa lahat ng teams na may abisong maghanda sa mga laro nang walang mga manonood.
Nakasaad din sa naturang kalatas na kailangang i-identify ng teams ang “essential staff” na isasama nila sa games.
Mayroon din umanong “reminder regarding the existing rules about postponment and cancellations of games” sa memo.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa US kung saan mayroon ngayong 300 active cases.
Nauna nang hiniling ng NBA sa mga player na bawasan ang “interaction” sa fans.
Hinikayat din ng liga ang mga player na mag-“fist bumps” na lang sa halip na “high-fives” bilang prebensyon sa virus.
174 