NBA ROY TARGET NI GREEN

NAKAPOKUS si Pinoy-­American cager Jalen Green ng Houston Rockets na masungkit ang 2021-22 NBA Rookie of the Year award.

Inamin ng Rockets second overall pick sa Media Day noong Martes na ang ROY plum ang pinakaaasam niya na makuha sa ngayon.

“The goal is to win rookie of the year and the fact that I didn’t go #1 is certainly motivation,” litanya ng 19-anyos na si Green.

Nagpasiklab sa Ignite sa NBA G League ang 6-foot-6 hoopster at nag-average ng 17.9 points, 4.1 rebounds at 2.8 assists per game, dahilan kaya’t nakabilang siya sa top picks sa nakaraang NBA Draft.

Itinuloy ni Green ang ­magandang performance sa Summer League kasama ang Rockets ngunit sa malas ay nagtamo siya ng hamstring injury, dahilan kaya’t hindi niya ito natapos.

Sa kasalukuyan ay puspusang nagpapalakas si Green sa Houston training camp bilang paghahanda sa bagong NBA season.

Unang makakasagupa ng Rockets sa regular season sa Oktubre 21 ang koponan ng Minnesota Timberwolves. (ANN ENCARNACION)

149

Related posts

Leave a Comment