HINILING na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Interpol na isama sa red notice list si dating Congressman Zaldy Co.
Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, idinaan ang request sa Philippine Transnational Crime Office. Kapag naaprubahan, agad ipapadala ang notice sa lahat ng miyembrong bansa upang ipaalam na may umiiral na warrant of arrest laban kay Co.
Ang Interpol red notice ay isang global alert na ginagamit ng law enforcement agencies para matunton at maaresto ang indibidwal na nasa ibang bansa at sangkot sa mga kasong kriminal.
Si Co ay idineklarang pugante ng Sandiganbayan kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects.
(CHAI JULIAN)
116
