RELEASED: PONDO PARA SA 896 BARANGAY NG MAYNILA, APRUB SA CITY COUNCIL

NAILABAS na ang pondo para sa 896 barangay sa Maynila matapos aprubahan ng 13th City Council ang isang resolusyong nagtatakda ng alokasyon para sa kanilang operasyon at mga programa.

Pinangunahan ang sesyon ni Vice Mayor at Presiding Officer Chi Atienza.

Ayon sa konseho, layon ng hakbang na matugunan ang mga naipong obligasyon sa barangay level at masigurong may sapat na pondo para sa pangunahing serbisyo. Sa aprubadong alokasyon, 85% ang inilaan para sa operations at capital outlay, 10% para sa Sangguniang Kabataan, at 5% para sa disaster risk reduction.

Sinabi ni Konsehal Erika Platon, pangulo ng Liga ng mga Barangay, na malaking tulong ang pag-release ng pondo para maipagpatuloy ang mga programa ngayong papasok ang pagtatapos ng

taon. Ipinunto rin nina Konsehal Juliana “Yanyan” Ibay at Lou Veloso na kritikal ang hakbang upang ma-settle ang natitirang obligasyon mula sa nakaraang administrasyon.

Dagdag ni Konsehal Louisa Marie “Lady” Quintos-Tan, bagama’t simple ang resolusyon, malaki ang epekto nito sa araw-araw na operasyon ng mga barangay. Nanindigan naman ang mayorya ng konseho na prayoridad ng lungsod ang kapakanan ng mga residente sa kabila ng mga hamon sa pananalapi.

(JOCELYN DOMENDEN)

121

Related posts

Leave a Comment