MANANATILI sa ilalim ng general community quarantine ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City hanggang sa Disyembre 31.
Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay mananatili sa modified GCQ.
Sa national address ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ang nasabing bagong quarantine classifications ay base na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila mayors na panatilihin sa GCQ ang NCR bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.
Kasabay nito, patuloy na hinikayat ng pangulo ang mamamayan na regular na maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at iwasan ang matataong lugar. (CHRISTIAN DALE)
163
