NCR mananatili sa GCQ LOCALIZED LOCKDOWN HIHIGPITAN

MANANATILING nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region, simula ngayong araw, Agosto 1 ngunit mas mahigpit na localized lockdown ang paiiralin.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address na isinailalim din niya ang Cebu City under general community quarantine (GCQ) simula rin ngayong araw.
Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ ay Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal para sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion para sa Visayas; at
Zamboanga City para sa Mindanao.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Agosto 15, 2t020.

Para sa NCR at Region IV-A na manatili sa GCQ classification, ang National Task Force, Department of Interior and Local Government, Coordinated Operations to Defeat Epidemic Teams ay
magpapatupad sa mga lugar na “high community transmission” ng strictly localized lockdown/ ECQ sa mga may 80% ng “cases of located and publication” na mga nasabing barangay.

Bahagi rin ng nasabing hakbang ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards; massive targeted testing, intensified tracing, at quarantine ng close contacts; isolation ng confirmed
cases; at mahigpit na pagsunod sa Oplan Kalinga implementation.

Samantala, ang mga government hospital sa NCR at Region 1V-A ay inatasan na dagdagan ang kanilang hospital beds para sa mga COVID-19 patient ng hanggang 30-50% habang ang mga private
hospital ay inatasan din na magdagdag hanggang 20-30%.

Sa kabilang dako, inatasan naman si Health Undersecretary Leopoldo Vega, NTF Treatment Czar, na i-monitor ang magiging pagtugon ng mga ospital sa mga nasabing lugar at sa One Hospital
Command System sa NCR, Region III, at Region IV-A. (CHRISTIAN DALE)

117

Related posts

Leave a Comment