NEGOSYANTE TINADTAD NG BALA

AGAD binawian ng buhay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa kanyang rest house sa San Pablo City, Laguna, Huwebes ng umaga.

Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng biktimang si Jaime Cabarloc, 54, residente ng Barangay San Isidro.

Batay sa report ng San Pablo City police, nag-aayos ng solar light sa kanyang kubo ang biktima nang dumating ang salarin at pinaputukan ito ng sunod-sunod.

Mabilis ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan sa suspek pero tinitingnan ng mga itong anggulo ang kamakailan ay pagkakaroon ng away ng biktima at sa isang pinsan ng kanyang misis. (NILOU DEL CARMEN)

229

Related posts

Leave a Comment