NETIZENS KINILIG SA DUET NG MELASON

KILIG at good vibes ang naramdaman ng mga netizen sa in-upload na karaoke duet ng MELASON o real-life couple na sina Melai Cantiveros-Francisco at Jason Francisco nitong Huwebes sa kanilang Facebook fan page.

“This song is brought to you by TRABAHO Party-list,” bungad ni Melai.

“Dahil ang pagmamahal mo sa isang tao ay tinatrabaho,” dagdag pa niya sabay lingon kay Jason upang magsabi ng “I love you!”

“God bless po. Good luck TRABAHO Party-list!,” tugon naman ni Jason, bilang suporta sa pro-labor reform na adbokasiya ng kanyang kabiyak kasama ang 106 TRABAHO.

Nasundan pa ito ng pabirong hirit ni Melai, “Pwede bang trabahuhin mo ‘ko mamayang gabi?” Ngunit bago pa makasagot muli si Jason ay nagsimula na ang unang stanza ng kanilang duet na tinawag nilang “Palagi- the wrong version” kung saan sila ay nag-ala TJ Monterde at KZ Tandingan.

Umani na nga ang kanilang duet ng lagpas 100,000 reactions at higit pa sa 4 million views sa loob lamang ng tatlong araw.

“I’m torn between heart and haha reaction HAHAHA susko melai!” comment ng isang netizen.

“Hahaha cute nyo talaga super kilig,” sabi pa ng isa.

Sey pa ng nag-comment, “Since PBB [Pinoy Big Brother] lods [idol] kuna kau melason.”

“Why so i kilig. I remember pbb house when they are nakakakilig,” pagbabahagi ng isang lalaking netizen.

Lalo pang kinilig ang mga netizen nang tinapos ng Melason ang kanilang duet sa pamamagitan ng halik.

Ang tambalang MELASON ay sumikat at nabuo noong sila Melai at Jason ay kapwa housemates sa Pinoy Big Brother House.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Mela at Stela.

10

Related posts

Leave a Comment