MAINIT na pinag-usapan ng mga netizen nitong nagdaang linggo ang pagkakahuli sa anak ni Senador Raffy Tulfo sa pagdaan sa EDSA bus lane.
Hindi napigilan ng mga netizen na kutyain ang senador na kilalang matalas ang dila sa mga mapagmalabis at lumalabag sa batas dahil mismong anak nito na isang kongresista ay pasaway. Anila, malinaw na si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo ay isang lawbreaker at dapat kastiguhin ng amang si Sen. Raffy.
Lalong nagngitngit ang netizens nang malaman na pangalawang paglabag na ng kongresista sa loob lang ng apat na buwan nang mahuli ito noong Enero 23.
Katwiran ni Sen. Raffy, wala siyang nakitang mali o pag-abuso ng anak dahil ang mahalaga ay hindi tumakas, hindi nagmura at hindi ito nagsinungaling.
Sa kanyang opisyal na paghingi ng paumanhin, sinabi ni Cong. Tulfo na:
“Nais ko lamang pong linawin na WALANG naganap na pagbanggit o paggamit ng pangalan ng sinumang nasa posisyon. WALA rin pong nangyaring anumang pang-aabuso sa awtoridad para makalusot o mapawalang-sala sa insidenteng ito.”
Noong nakaraang Nobyembre, umapela pa si Sen. Tulfo sa kaanak ng kapwa senador na sakay ng SUV na dumaan din sa bus lane. Aniya, aminin nito ang pagkakamali at isuko ang kanyang driver.
Noon ding Nobyembre, sinabi ng senador na pagpapaliwanagin niya ang MMDA ay DOTr ukol sa umano’y pagpapalusot sa mga ilegal na pumapasok sa bus lane sa EDSA.
Basahin ang mga komento ng netizens:
Mel:
yabang lang ang puhunan ng pamilyang to na atat din maging political dynasty! mangmang at utak alipin na lang talaga ang boboto sa mga to! walang sawang magpakatanga sa mga abuso sa kapangyarihan!
Rob:
“The good thing is he did not lie and he apologized and he was humble,” Tulfo said in Filipino.
Awww shadduppp!!
Humble people don’t act like kings and break the law with impunity.
Buboy:
Sen. Raffy Tulfo, known for his tough crackdown on EDSA bus lane violators, found himself in an awkward position when his own son was caught plying the roadway. #doublestandard syempre anak! kaya mabait
Ilya:
What they forgot to mentioned in the news is how many times was Tulfo caught using the bus lane just in the last 4 months? Repeat offender daw pala ang tulfo na ito! Hindi rin sinabi ni Raffy na repeat offender ang anak nito. Walang kwenta talaga itong mga Tulfo.
Jose:
If his really tough on the issue then his walang hiyang son must do community service. Obviously tulfo is a hypocrite
Peter:
Pag ibang tao gumawa nyan sobrang magagalit yan, baka magpa-senate inquiry pa yan. Pero dahil anak niya, biglang ok lang kasi honest mistake at basta magsorry.
Roy:
RESIGN dapat GOVERNMENT OFFICIAL tapos VIOLATOR? Mga ABUSADO … pwede ba sorry pag ORDINARY CITIZEN?
Chanel:
If d sya abusado,Anong tamang term?
Colleen:
He is a glaring example of Hypocrisy!
Fweddie:
Tigas ng mukha talaga ng mga tulfo na to… Mga sinungaling, mandaraya, mayayabang, mukhang pera, abusado, plastic… Lahat na pinakyaw ng mga ungas. Sige iboto niyo pa mga bobotante
Buds:
D ko gets tong anak ni Tulfo. Alam naman siguro nya na balahura ang tatay nya sa mga hindi dapat gumagamit ng bus lane. Baka naman kasi alam nya na for show lang ni erpats lahat?