Ni ANN ENCARNACION
TINABUNAN ni Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang dating pole vault (outdoor) Asian record sa 2022 World Athletics Championships sa Hayward Field sa Eugene, Oregon, USA.
Tumalon siya ng 5.94 metro, .01 mas mataas sa dati niyang Asian record, at sapat para sa bronze medal finish.
Nanguna sa torneo si Armand Duplantis ng Sweden, nagtala rin ng bagong world record na 6.21m mula sa dati niyang 6.20m.
Pumangalawa si Chris Nilsen ng USA na gaya ni Obiena ay nagtala ng 5.94m jump at nagkatalo lang sa countback.
Kinilala ng organizer World Athletes ang naturang torneo na makasaysayan makaraang pito sa pole vaulters ang nakalampas sa 5.87m at siyam ay 5.80m.
Kabilang sa mga nagtala ng 5.87m sina Thiago Braz ng Brazil, Oleg Zernikel ng Germany, Renaud Lavillenelie ng France at Bo Kanda Lita Baehre ng Germany. Habang 5.80m sina Ersu Şasma ng Turkey at Pal Haugen Lillefosse ng Norway.
679 